Mga tagubilin wikang filipino – Marshall Stanmore III Bluetooth Speaker System (Black) User Manual

Page 75

Advertising
background image

075

STANMORE III - FULL ONLINE MANUAL

BACK TO INDEX

MGA TAGUBILIN

WIKANG FILIPINO

PAGSISIMULA

I. Ikonekta ang mains lead sa mains input sa speaker mo, pagkatapos ay

isaksak ang mains plug sa dingding.

II. Gamitin ang power switch para i-on ang speaker.

III. I-download ang Marshall Bluetooth app at sundin ang mga tagubilin sa

loob ng app para i-set up ang speaker mo.

Mahalaga: Palaging tiyaking tumutugma ang mains lead, plug at speaker sa

iyong mains supply at saksakan sa dingding.
Pag-iingat: Palaging hugutin ang mains lead sa saksakan sa dingding bago ito

idiskonekta sa speaker.

PAGPAPARES NG BLUETOOTH

I. Gamitin ang button ng source para piliin ang Bluetooth.

II. Pindutin nang matagal ang button ng source hanggang sa pumintig nang

pula ang LED ng Bluetooth.

III. Piliin ang STANMORE III sa listahan ng Bluetooth ng audio device mo.
Maikokonekta ang Stanmore III sa dalawang Bluetooth device nang

magkasabay. Kung may nakakonektang device na nagpe-play, hindi

makakapagsimulang mag-play ang isa pang nakakonektang device hanggang

sa ma-pause ang unang device.

PAGKOKONEKTA NG AUX DEVICE

I. Magsaksak ng 3.5 mm na stereo jack sa AUX input sa itaas ng speaker.

II. Isaksak ang kabilang dulo ng lead sa output na audio sa source ng audio mo.

III. Gamitin ang button ng source para piliin ang AUX.
Tandaan: Hindi kasama ang mga audio lead.

PAGKOKONEKTA NG RCA DEVICE

I. Magsaksak ng lead na may mga RCA jack sa RCA input sa likod

ng speaker.

II. Isaksak ang kabilang dulo ng lead sa output sa source ng audio mo.

III. Gamitin ang button ng source para piliin ang RCA.
Tandaan: Ang turntable ay dapat may RIAA amplifier o nakakonekta gamit ang

isang hiwalay na preamplifier. Hindi kasama ang audio lead at RIAA amplifier.

Advertising